October 25, 2011 6:30 am (day of departure)
Ala-sais imedya ng umaga ang alis ng bus kaya maaga akong gumising.. bihira ako magising ng ganung kaaga madalas kasi late ako bumabangon....
Gabi pa lang ng miyerkules ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko.....
Nanghiram pa ako ng Camera syempre "I want to capture every moment" Buti nalang at pinahiram ako ni Ate Bubot (tenkyu).....
Bago kami sumakay ng Bus ay nagalmusal na kami kasi mahaba habang byahe ang aming tatahakin at ayoko naman na magutom sa gitna ng byahe....
Byaheng pa IBA ZAMBALES ang bus na sinakyan namin.... Mula Cubao Terminal almost four hours din ang byahe at may dalawang stop over... ang una ay sa Pampanga, okey din naman mag stopover at makakapag banyo ka at pwedeng kumain. Fifteen minutes lang ang stop over kaya dapat mabilis ka kumain ng hindi maiwan ng bus.
Ang sunod na Stop over ay sa olongapo na, hindi na ako bumaba kasi tinatamad na din ako....
ilang oras pa at nakadating din kami ng San Antonio Zambales kung saan kami susunduin ng Bangkero.
Ngunit Bago kami sunduin ay namalenke muna kami ng mga pagkain at gamit na dadalhin sa isla, since wala ngang kuryente dun at bahay na matutuluyan kailangan lahat ng Basic needs mo ay mayroon ka na...
Hindi kami masyadong handa kasi di namin alam kung ano ang lulutuin namin, inisip ko nalang dapat ay yung madali lang lutuin kaya ito ang mga binili namin:
1. 2 kilong bigas
2. 1/2 kilong pork chop (pang ihaw)
3. toyo na sa pouch 9pangmarinate)
4. 5 pisong kalamansi (pangmarinate)
5. mga delata
6. Itlog na maalat
7. 5 pirasong kamatis
8. paper plate
9. plastic cups
10. plastic spoon and fork.
11 at Uling
after namin mamalenke ay naghanap kami ng karenderia upang doon mananghalian...
then sumakay na kami ng tricycle papunta sa bahay ng Bangkerong si Jay-ar....
Akala ko malapit lang, yun pala mahaba haba din ang aming tatakbuhin.....
tahimik ang paligid probinsyang probinsya ang ambiance.....
meydo hindi smooth ang byahe kasi naman hindi pa maayos ang kalsada...
Pagdating namin sa bahay ni Jay-ar nanghiram na din kami ng ilang bagay na aming gagamitin,
gaya ng kaldero, pang ihaw, sandok, at cooler.
Included na kasi sa Package deal namin na pwede manghiram ng gamit at kasama na ang limang galon na tubig, mga kahoy pang BONFIRE at Tent na aming tutulugan.
Nang naayos na lahat ay sumakay na kami ng bangka at pumalaot na sa dagat meyo mainit dahil tirik ang araw pero di masyado mararamdaman kasi mahangin at magaganda ang tanawin.
| mainit ang sikat ng araw |
![]() |
| maganda ang alon ng dagat |
| the departure |
| mountain view |
October 25, 2011 2:00 pm (day 1 sa anawangin)
pagdating namin sa isla syempre picture picture muna..
tapos humanap kami ng pwesto kung saan namin itatayo ang tent.
buti na lang at wala pa masyadong tao kea nakahanap kami agad ng magandang pwest,
alapit sa banyo at poso.
nang naayos na ang mga gamit agad namin sinubukan ang dagat at nagswimming.
di naman sya white sand pero maayos naman at pino ang buhangin (keri na)
nasurprise ako dahil sobrang clear ng tubig parang mineral water hahaha...
di din kalamigan ang tubig tamang tama lang.....
mula sa tabing dagat may isang kalapit na isla ang iyong matatanaw na pwedeng puntahan,
dadaan ka nga lang sa mga bato bato.....
Ayun pinuntahan namin ang katabing isla, medyo mahirap kasi matutulis at madudulas ang bato idagdag mo po ang mga alon.
pagdating namin dun.. walang tao pakiramdam ko pagaari ko ang isa ;)
medyo mabato lang ang bahaging iyon kaya siguro walang masyadong naliligo at nagpupunta.
ilang oras din kaming nag tagal dun at kami'y bumalik ng aming tent.
nakakagutom din yun ahh...
nagpahinga lang kami sa loob ng tent after namin magbanlaw.....
Mga bandang ala sinko syempre kailangan namin magluto...
Inilabas na namin ang uling at sinimulan ng pabagahi hindi pala ganun kadali yun palibhasa ay nasanay na sa kalan na LPG kaya pagdating sa uling patay na... i
lang beses kong sinubukan buhusan ng gaas pero wa epek...
nalala ko yung lola ko na kumukuha sya ng mga tuyong dahon at sanga na madaling magliyab at magbaga kaya ayun. tinry ko nga at hola!!! may baga na at konting pay pay at ihip pay nakapag luto na din kami ng kanin..
After ng Kanin ay nagihaw na kami ng Pork chop na aming minarenate sa toyo at kalamansi......
hindi ko naman pinalagpas ang sunset agad akong tumakbo sa beach upang picturan (medyo maulap kaya di ganun kaganda ang sunset)
after nun syempre luto na kumain na kami.....
Gdahil may natirang baga sa uling yun ang ginamit namin para magapoy ang aming Bonfire.
diba di na kami nahirapan...
masya ang unang gabi namin sa camp dahil na din sa pagod kaya maaga kamingnakatulog....
END OF DAY 1 --- to be continued..........
| Anawangin Cove View forom the boat |
| Camp site |
| Our Tent "home" |
ayan sige konti pa at maluluto na yan.....
| "first day sunset" |
| "BONFIRE" |
Note: Nakalimutan kong ayusin yung date ng camera (pasensya na Tao lang)

No comments:
Post a Comment